MAINE MENDOZA‼ ️ Alden Richards' true smell is being stolen‼ ️Do not withstand and revealed! OMG!
Pasabog ang rebelasyon ng Kapuso actor na si Alden Richards sa interview niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Oktubre 9.
Sa naturang interview, napag-usapan ang tungkol sa showbiz career ni Alden. Kaya hindi naiwasang mapag-usapan ang tungkol sa ‘phenomenal’ loveteam na “AlDub.”
Dito ay walang paligoy-ligoy na tinanong sa kaniya ni Tito Boy Abunda kung nagkagusto ba siya sa dating niyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.
“Did you fall for Maine Mendoza?” tanong ng TV host.
“Yes, Tito Boy,” saad ni Alden. “Hypocrite po ako kung hindi. Yes. Ayoko pong sabihin na alam niya pero I did. I did confess.”
Video:
Matatandaang nabuo ang ‘AlDub’ nang first time makita ni Maine, kung saan in character siya bilang si ‘Yaya Dub,’ si Alden sa split-screen sa “Juan for All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga noong 2015.
Doon ay unexpected na nabuo ang ‘AlDub’ at ang ‘Kalyeserye’ segment ng Eat Bulaga.
Tinawag pa ngang “phenomenal” loveteam ang AlDub dahil talaga nga namang sinubaybayan ito ng mga tao—bata man o matanda.
Samantala, mapapanood si Alden sa pelikulang “Five Break-Ups and a Romance,” kasama si Julia Montes. Mapapanood ang pelikulang ito sa mga sinehan sa Oktubre 18.